MAHIGIT limang taon nang nagtra-trabaho bilang household service worker si Anna Fe sa Saudi.
Bilang isang single mom, ramdam niya kung anong paghihirap ng mga simpleng mamamayan sa Pilipinas.
Siya mismo, apektado ng pagtaaas ng presyo ng kilo ng bigas at lahat ng mga bilihin kahit siya ay nasa ibayong dagat.
Kaya naman hindi maiwasan na maikumpara niya ang kasalukuyang administrasyon sa dating administrasyon.
“Sa akin mas gusto ko si Tatay Digong, bakit po? Ang layo ng pamamalakad niya ‘di ba nangako siya ng bigas, pamumurahin pero hanggang ngayon lalo siyang tumaas, mas gusto ko pa rin si Tatay Digong kahit sabihin mong maraming krimen, at least ang mga pinupukol niya ‘yung mga drugs, ‘yung may mga kasalanan talaga,” ayon kay Anna Fe Pepito, OFW.
Dahil sa mga pangako ni BBM noon, naniwala siya kaya niya ito binoto, pero ang pangako ay napako.
“Sa akin bilang botante rin niya, medyo nagsisisi rin, I’m telling the truth talagang,’yun ang nararamdaman ko kay BBM, pero kay Tatay Digong I love it,” dagdag pa nito.
Samantala, 40 years nang nagtra-trabaho abroad si Buenaventura, simula sa Marcos Sr. administration hanggang sa Marcos Jr. administration ay kayod pa rin siya sa abroad.
Aminado rin siya sa dami ng presidente ang pinagdaanan niya bilang OFW, mas komportable siya sa Duterte administration.
“Prangka lang, mas maganda ‘yung nakaraan kaysa ngayon, ngayon ‘di natin malaman kung saan nagmumula itong kung may mga problema. Nawawala halos ang mga kalokohan dito sa Pilipinas noong araw, ngayon hindi mo na alam, ‘yung mga nakaraan, bumabalik,” giit ni Buenaventura Kadungog, OFW.
Bukod kay Anna Fe at Buenaventura, mas nararamdaman din ng iba pang OFW ang kaginhawaan sa Duterte administration kumpara sa Marcos Jr. administration.
Sa huli mas gusto pa rin nila ang pamamalakad ng Duterte administration.