Mga OFW sa Hong Kong, nangangambang mawalan ng trabaho dahil sa West Philippine Sea issue

Mga OFW sa Hong Kong, nangangambang mawalan ng trabaho dahil sa West Philippine Sea issue

MAY pangamba ang mga Pinoy worker sa Hong Kong kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Marami sa ating mga kababayan dito sa Hongkong ang dumalo sa meet and greet ng ilan sa mga DDS Vlogger, ilan sa mga anchor ng SMNI at ng Banateros Brothers. At nagpalabas sila ng hinaing laban sa pamahalaan.

‘’Duterte..Duterte’’ Iyan ang sigaw ng mga OFW sa Hong Kong sa ikalawang taon sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Hunyo a trenta.

Nanumpa si Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa June 30, 2022.

Pero sa halip na matuwa, pangamba ang dulot ng Marcos administration sa mga Pinoy dito sa Hong Kong.

Posible kasi na balikan sila sa ‘china hate’ ngayon sa Pilipinas o ang diskriminasyon sa mga intsik dahil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.

Kung paano sila babalikan?

Paliwanag ng ating mga kabayan dito na baka tanggalin sila sa trabaho ng kanilang mga employer na Chinese.

’Number 1 concern ng mga OFW… pagnagkaka-girian yung China and caught in between yung Philippines, baka papauwiin sila. So yun yung ano… mawawalan sila ng trabaho tapos paaano na yung pamilya nila sa Pilipinas,’’ ayon kay Jed Daproza Hakbang ng Maisug Hong Kong.

‘’Yun ang pinaka-concern ng mga OFW kasi nga pag po yung mga OFWs ay pinauwi, ano po ang trabaho kaya na maibibigay ng pamahalaang Marcos,’’ saad ni Jojo de Guzman Vlogger, OFW sa Hongkong.

Higit sa 200,000 ang OFW sa Hong Kong.

Karamihan sa mga ito ay nasa household sector.

Mayorya din sa mga Pinoy worker sa Hong Kong ay bumuto sa UniTeam ticket nina Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

‘’We voted for the administration because of Inday Sara. If it is not for the Dutertes, hindi naming siya iboboto. Because hindi maganda yung background niya eh. Wala siyang nai-prove for themselves,’’ ani Daproza.

Sa meet greet event, isa-isang nagsalita ang mga DDS vlogger gaya nina Pambansang Loyalista, VMR Channel, Dhan Chan ng Brothers Traveller at ang Banateros Brothers nina Master Judea, Boss Dada TV, Coach Oli at Banat By.

Present din ang SMNI Hosts na sina Dr. Lorraine Badoy, Jeffrey Ka ‘Eric’ Celiz at geopolitics analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy.

Isa-isa nilang ipinaliwanag ang mga problema ng bansa mula sa issue sa West Philippine Sea, pagbabalik ng problema sa iligal na droga, Charter Change at iba pa.

‘‘Ang panawagan ko kay Presidente Marcos, bumaba kanalang ho para wala na kaming problema na mga OFW. Dahil noong panahon ni Tatay Digong, kami ang bagong bayani! Sa inyo po kamihindi bagong bayani! Palpak ka na Presidente!’’ saad nito Althea Rio OFW Movement for Change Hongkong.

Umaasa naman ang ating mga kababayan sa Hongkong na sana ay pakinggan ng pamahalaan ang kanilang hinaing o di kaya ay magkaroon ng recourse of pagbabago sa pamamahala sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble