Mga opisyal ng BARMM, nagpasaklolo kay SP Escudero

Mga opisyal ng BARMM, nagpasaklolo kay SP Escudero

ARAW ng Martes ay nag-courtesy call ang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Senate President Chiz Escudero para humingi na suporta sa panawagan nilang magkaroon na ng eleksiyon sa nasabing rehiyon.

Kabilang sa mga lokal na opisyales ng BARMM na bumisita sa Senado ay sina Gov. Sakur Tan, Sec. Suharto Mangudadatu, Gov. Mariam Mangudadatu, Gov. Mamintal Adiong, Rep. Mujiv Hataman, Rep. Munir Arbison, Rep. Zia Adiong, Rep. Mohammed Paglas. Rep. Yab, at Rep. Sittie Dimple Mastura.

Gayundin sina Mayor Jimmy Pansar, Elected Vice Gov. Bai Ainne Sinsuat, Mayor Datu Tocao Mastura, Mayor Datu Lester Sinsuat, Vice Mayor Shamen Mastura, dating Rep. Ronnie Sinsuat, Mayor Hanie Bud, MP Ali Sangki, Vice Gov. Nathaniel Midtimbang, Mayor Rasden Pendatun Ali, Vice Mayor Adnan Biruar, at Board Member Mashur Biruar.

Sinabi ni Gov. Tan na dapat nang matigil ang pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang opisyales ng BARMM na limang taon nang nakaupo sa posisyon.

“So, reading-ready na para mag eleksyon sa BARMM nang sa ganun ay gaya ng sabi ni Senate President para may accountability ang mga opisyal ang buong pamahalaan sa buong BARMM,’’ ayon kay Gov. Sakur Tan.

Giit ni Tan, nagdesisyon sila na magsama-sama para manawagang magkaroon na ng eleksiyon sa BARMM sa 2025 elections base na rin sa kahilingan ng kanila mismong mga kababayan na dapat ay mga halal na opisyal ang maupo sa puwesto.

Sinang-ayunan naman ito ni Escudero para aniya magkaroon ng pananagutan sa batas.

Para sa akin, importante at mahalaga na magkaroon ng pagpipilian ang ating mga kababayan sa BARMM at hindi lang dinidikta ng pamahalaan sa kung sino lang ang pwedeng botohan. Mula pa na naging ARMM ito bago pa naging BARMM diktado lagi ng pamahalaan kung sino ang maging lider nila,” ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Ngunit sinabi ni Escudero na ang paghingi ng tulong ng mga nasabing opisyales ay hindi nangangahulugang ineendorso niya ang posisyon ng mga ito dahil sa hindi naman aniya siya rehistradong botante sa BARMM.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble

 

 

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble