Mga paaralan sa Dubai, magkakaroon ng ‘long weekend’ kasabay ng pagdiriwang ng Diwali Festival

Mga paaralan sa Dubai, magkakaroon ng ‘long weekend’ kasabay ng pagdiriwang ng Diwali Festival

MAGKAKAROON ng ‘long weekend’ang mga paaralan sa Dubai kasabay ng pagdiriwang ng Diwali Festival.

Maraming paaralan sa Dubai ang nagbigay ng dalawang araw na day off sa mga estudyante at mga magulang upang makapagdiwang ng Indian Festival na Diwali kasama ang mga mahal nito sa buhay.

Ang day off na ito ay mula Lunes hanggang Martes ng susunod na linggo.

Kung susumahin kasama ang Sabado at Linggo na walang pasok ay magkakaroon ng mahabang weekend ang mga estudyante ng mga paaralang ito.

Para naman sa ilang paaralan, ito ay pagpapalawig ng mid-term break na kasalukuyan nang sinimulan sa mga paaralan.

Samantala, ilang paaralan naman ang nag-organisa ng Diwali Fair at ilang non-Indian curriculum institutions ang may pasok pa rin sa Oktubre 24.

Follow SMNI NEWS in Twitter