Mga paaralang sakop ng DepEd magkakaroon na ng mental health offices

Mga paaralang sakop ng DepEd magkakaroon na ng mental health offices

MAGKAKAROON na ng mental health and well-being offices sa mga paaralang sakop ng Department of Education (DepEd).

Kasunod ito sa paglagda ni DepEd Sec. Sonny Angara sa implementing rules and regulations ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.

Sa mga magiging mental health office, magkakaroon din ito ng kahit isang counselor bawat paaralan.

Maaaring magkaroon ng higit sa isang counselor kung malaki ang isang paaralan.

Naniniwala ang DepEd na malaki ang magiging tulong nito upang mabawasan at maiwasan ang bullying sa mga paaralan.

Sa datos, mula Nobyembre 2022 hanggang Pebrero 2025, nasa 522 na ang bullying cases na naitala sa mga paaralan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble