Mga pabor sa ginawang pag-aresto kay FPRRD, hinamon ng debate ng isang batikang abogado

Mga pabor sa ginawang pag-aresto kay FPRRD, hinamon ng debate ng isang batikang abogado

WALANG paliguy-ligoy at diretsahang hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio ang sinumang pumapabor sa iligal na pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Ayon kay Topacio, hindi lamang karapatan ng dating pangulo ang niyurakan ng kasalukuyang gobyerno, kundi pati ang mismong Konstitusyon ng Pilipinas.

“Ito po ay maliwanag na iligal… walang basehan…ito ay labag sa batas,” ayon kay Atty. Ferdinand Topacio.

Matatandaang bumuhos ang kaliwa’t kanang reklamo at pagkadismaya mula sa publiko laban sa pamahalaan, pulisya, at iba pang law enforcement agencies matapos ang kontrobersyal na pagsuko ni Duterte sa poder ng International Criminal Court (ICC).

At hindi lang sa Pilipinas dahil maging ang mga Pilipino sa ibang bansa at mga dayuhan ay nakisimpatya rin sa dating pangulo.

Patunay dito ang sabay-sabay na pakikiisa ng buong mundo sa kanyang ika-80 kaarawan—isang araw ng paninindigan laban sa kawalan ng hustisya, paglapastangan sa batas, at pagsuko sa isang Pilipino na walang ibang ginawa kundi mapabuti ang bayan.

At habang tumatagal ang laban ng mga Duterte sa The Hague, Netherlands, isang malinaw na mensahe ang ipinaabot ni Topacio sa sambayanang Pilipino – bumoto ng tama at piliin ang nararapat na mga kandidato—at sila ang mga kaalyado ng dating pangulo!

At isa sa kanyang partikular na ipinakiusap—ang matagal nang kaibigan at senatorial candidate, Pastor Apollo C. Quiboloy, na nagsilbi ring spiritual leader sa Duterte administration.

Hindi rin nagpahuli ang butihing Pastor sa pagbibigay ng mensahe sa kaarawan ni dating Pangulong Duterte.

Ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, hindi nalalayo ang kanilang sinapit ng dating pangulo. Ngunit sa kabila ng lahat, nananatili silang matatag at tapat sa paglilingkod sa bayan at sa mamamayang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble