Mga pambato sa Paris Olympics 2024, madadagdagan pa

Mga pambato sa Paris Olympics 2024, madadagdagan pa

POSIBLENG maidadagdag na si Vanessa Sarno sa mga Pinoy weightlifters na pasok sa 2024 Paris Olympics.

Kasunod ito sa kanyang magandang performance sa 71-kilogram division ng IWF World Cup na ginanap sa Thailand kung saan nasa top 5 ang Pinay.

Kung makakapasok ito sa top 10 kung matatapos na ang event nito sa Thailand, sigurado na itong makakuha ng pwesto para ipresenta ang Pilipinas sa Paris games.

Sa ngayon ay kumpirmado na para sa Paris Olympics si EJ Obiena, Carlos Yulo at Aleah Finnegan ng gymnastics, at mga boxer na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Sa weightlifters ay pasok na sina John Febuar Ceniza at Elreen Ando habang si Rosegie Ramos ay inaantay nalang ang final tally sa 49 kilogram division.

Follow SMNI NEWS on Twitter