Mga pasahero na binibigyan ng NTL notice, airlines ang may pananagutan

Mga pasahero na binibigyan ng NTL notice, airlines ang may pananagutan

INIHAYAG ni Home Minister Datuk Seri Saifuddin Nasution Ismail na sumang-ayon ang gabinete na ang mga kompanya ng airline ang may pananagutan sa kanilang mga pasahero na binibigyan ng not to land (NTL) notice pagdating sa mga paliparan.

Ayon kay Saifuddin, ang desisyong ito ay batay sa Convention on International Civil Aviation na itinatag ng I.C.A.O at ng Immigration Act.

Gayunpaman, hindi nagbigay ng detalye si Saifuddin kung aling probisyon sa Immigration Act na gumabay sa desisyon ng gabinete.

Sinabi niya na ang mga regulasyon ng ICAO ay malinaw na nagsasaad na ang mga airline company ay may pananagutan para sa mga na-offload na pasahero.

Nararapat lang aniya na siguruhin ng airline company na may return ticket ang isang pasahero bago sila bigyan ng boarding pass.

Aniya pa, ito ay isang international SOP kaya dapat lang na siguruhin ng mga airline company na may return ticket ang isang pasahero bago umalis ng bansa.

“If a traveller arrives without one and is denied entry, then the company is responsible for flying the person back home.”

“Malaysia’s Immigration laws were also clear on the matter that airline companies were responsible for the deportation of such travelers,” saad ni Datuk Seri Saifuddin Nasution Ismail, Home Affairs Minister.

Ito aniya ay batas ng kagawaran, at ang mga airline company ang may pananagutan sa pagpapabalik sa mga manlalakbay.

Ibinunyag din nito na ang Bangladesh, India at Pakistan ang tatlong nangungunang bansa na may pinakamaraming bilang ng abiso ng NTL.

Dagdag pa nito, mahigit tatlong milyong manlalakbay ang naitala na dumating sa KLIA mula Enero hanggang Hunyo, subalit 14,977 lamang ang nabigyan ng NTL.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter