Mga pasahero ng Angkas, tumaas ang kumpiyansa

Mga pasahero ng Angkas, tumaas ang kumpiyansa

TUMATAAS na ang kumpiyansa ng mga pasahero sa pagsakay sa motorcycle taxi (MC Taxi) dahil sa huwarang halimbawa ng Angkas.

Ayon sa ulat ng WR Numero, nasa 48 porsiyento sa mga Filipino participants ang nakakikilala sa brand ng Angkas habang 45 porsiyento naman ang gumagamit na ngayon ng habal-habal bilang uri ng transportasyon.

Nasa 14 porsiyento ang naiulat na regular na gumagamit ng Angkas habang 11 porsiyento ang nagsabi na dalawa hanggang apat na beses silang sumasakay sa loob ng isang linggo. Ayon pa sa WR Numero, 58 porsiyento sa mga Filipino ang nagsabi na “agree with or strongly support” na gawing legal ang habal-habal.

Nasa 78 porsiyento naman sa mga Filipinos ang nagsabi na dapat na mayroong advocate o tagapagsulong sa Kongreso para gawing regular na ang MC taxis sa Pilipinas. Taong 2016 nang magsimula ang operasyon ng Angkas sa pamumuno ni co-founder at CEO George Royeca, kung saan inuna nito ay ang safety training sa mga rider.

Ayon kay Royeca, ang kaligtasan ng mga pasahero ang pangunahing prayoridad ng kompanya. At patuloy pa na pagtitibayin na maging magandang halibawa sa ibang MCs.

Nasa 99.997 porsiyento ang safety record ng Angkas. Ito rin ang naging basehan ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pilot study.

Dahil sa dedikasyon ni Royeca sa adbokasiya, patuloy tumataas ang tiwala ng mga pasahero sa dating habal-habal. Isang matibay na pamumuno para sa mga MCs ang ginagawa nito nationwide.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble