Mga pasaherong aalis ng bansa dagsa na sa NAIA

Mga pasaherong aalis ng bansa dagsa na sa NAIA

MATAPOS ang holiday season, dagsa na ang Terminal-1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Martes partikular na sa mga aalis ng bansa.

Nasa 11 international flights ang lilipad Martes ngayong umaga, mula sa NAIA Terminal 1, habang 9 naman na international flights ang naka eskedyul lumipad ng tanghali.

Matatandaan noong araw ng Linggo nagkaroon ng technical problem ang Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kung saan libu-libong mga pasahero ang naapektuhan.

Kasabay ng pagbabalik sa normal na operasyon at pagbiyahe ng mga pasahero mula bakasyon, puno na ang mga check-in counter ng airlines tulad ng mga patungong Riyadh, Incheon, Bahrain, Dubai, Taipei, Bangkok, Kuala Lumpur, Narita, at Los Angeles USA.

Follow SMNI NEWS in Twitter