Mga pasilidad ng BuCor, isasailalim sa Public-Private Partnership

Mga pasilidad ng BuCor, isasailalim sa Public-Private Partnership

KINUMPIRMA ni BuCor Director General Gregorio Catapang na ang New Bilibid Prison (NBP) ang mauunang isasapribado sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

Mayroon na aniyang mga nagsumite ng unsolicited proposals para sa proyekto.

“Naka-receive kami ng orders sa ating Pangulo through SOJ to do PPP, kasi po hindi talaga kaya ng gobyerno magpagawa ng facilities ng BuCor, just to address the congestion,” ayon kay Ret. Gen. Gregorio Catapang.

Target ng BuCor na mailipat ang 25,000 bilanggo mula sa NBP sa 2028, ngunit mananatili ang mga opisina ng BuCor sa Muntinlupa.

Sa kasalukuyan, 30,000 na persons deprived of liberty (PDL) ang nananatili sa NBP.

Kasunod ng NBP, sabi rin ni Catapang, ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan naman ang isasailalim sa PPP.

“Na master plan na rin natin ang Palawan. Binigyan na rin tayo ng go signal ni Secretary Boying to undertake PPP din, kasi ‘yung Palawan napakaliit nun, 29,000 hectares so may master plan na rin kami,” saad ni Catapang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

 

o