INATASAN na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Bureau of Immigration (BI) na mag-imbentaryo sa lahat ng mga kasong kinakaharap ng halos 300 deportees na nasa kustodiya ngayon ng BI.
Kaugnay nito ay susulatan na ng Department of Justice (DOJ) ang Integrated Bar of the Philippines para hilingin na paimbestigahan kung may mga abogadong nakikipagsabwatan sa mga dayuhang nakakulong dito sa bansa.
Nadiskubre kasi ng DOJ na may mga insidente o modus na nagsasampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga nakakulong na foreigners para mapigilan ang deportasyon.
Target aniya ng BI na maisumite sa DOJ ang resulta ng kanilang imbentaryo sa susunod na linggo.