Mga Pilipino sa Moscow, pinayuhan na maging alerto

Mga Pilipino sa Moscow, pinayuhan na maging alerto

PINAYUHAN ng Embahada ng Pilipinas sa Russia ang mga Pilipinong naninirahan doon partikular sa Moscow na maging alerto sa gitna ng pagpatutupad ng siyudad sa mga hakbang kontra terorismo.

Ito’y kasunod ng paghahain ng kasong kriminal ng National Anti-Terrorism Committee ng Russia laban kay Yevgeny Prigozhin, ang pinuno ng paramilitar ng Wagner Group dahil sa umano’y pang-uudyok ng rebelyon.

Kabilang sa mga hakbang na ipinatutupad ngayon sa Moscow sa utos ni Mayor Sergey Sobyani ay ang paghihigpit sa trapiko at pagbabawal sa ilang pagtitipon.

Ilan naman sa payo ng embahada sa mga Pilipino ang pagsubaybay sa mga abiso na ilalabas ng ahensiya at pagtalima sa mga alituntunin ng Russian government:

  • Pag-iingat at pag-iwas sa mga matataong lugar;
  • Pag-iwas na makilahok sa mga demonstrasyon;
  • Iwasang mag-post ng ma-politikong komento sa social media;
  • At umiwas sa pagbiyahe sa ibang rehiyon kung hindi kinakailangan.

Pinaalalahanan naman ang mga Pilipinong nakatira sa Rostov-non-Don, Belgorod at sa iba pang lugar sa boundary ng Russia at Ukraine na ipaalam sa embahada ang kanilang sitwasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter