Mga Pilipinong naaresto sa POGO Hub sa Tarlac, pinalaya na

Mga Pilipinong naaresto sa POGO Hub sa Tarlac, pinalaya na

PINALAYA na ng mga awtoridad ang ilang mga Pilipino na nagtatrabaho sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Hub sa Bamban, Tarlac, matapos lumitaw sa imbestigasyon na wala silang kinalaman sa mga ilegal na gawain ng naturang POGO Hub.

Base sa ulat ng mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ), pinayagang lumabas ang mga Pinoy sa POGO compound matapos malaman na ang iba sa kanila ay biktima lamang din ng panloloko.

Sa pahayag ni DOJ Prosecutor Ramoncito Bienvenido Ocampo Jr., ni-recruit ang mga Pilipino sa social media para magtrabaho bilang call center agent at pinangakuan ng suweldo na higit P20,000 kada buwan pero ginamit lang sila sa love scam.

Giit ng mga prosecutor ng DOJ, ang iba sa mga ni-recruit ay nagtatrabaho bilang maintenance, tagaluto at nagse-serve sa canteen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble