DAHIL sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, mariing ipinayo ng Philippine Embassy na manatili na lamang sa loob ng tahanan ang mga Pinoy habang nasa “Essential Activity Status” ang buong Israel.
Sa ilalim ng nasabing status, suspendido ang mga klase sa lahat ng eskwelahan, ipinagbabawal rin ang anumang klase ng pagtitipon, at limitado lamang ang mga essential service providers na papayagang magtrabaho.
Ipinatupad ito alas tres ng madaling araw ng Hunyo a-trese, at magtatapos ng alas otso imedya ng Hunyo katorse.
Dagdag pa ng Philippine Embassy, kailangan maging alerto at handa ang bawat Pilipino na nasa Israel sakaling may missile alert, at maging pamilyar sa lokasyon ng shelter, safe rom, o ang tinatawag na “mamad”– ang mga lugar na ligtas sa oras ng mga biglaang pag-atake.
Pinayuhan din ang mga Pinoy na sumunod sa mga patakaran ng Israeli Defense Forces Home Command.
Para sa mga agarang concern, maari ring ikontak Embahada gamit ang mga sumusunod na naka-flash sa screen:
Tiniyak naman ng Embahada na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Israel para sa kaligtasan ng mga Pinoy na nandito.