Mga Pinoy sa Northern Ireland, naging ‘target’ ng bayolenteng protesta kontra immigrants

Mga Pinoy sa Northern Ireland, naging ‘target’ ng bayolenteng protesta kontra immigrants

SA Northern Ireland, nadamay ang ilang mga Pilipino na naging biktima ng bayolenteng protesta sa bayan ng Ballymena.

Sumiklab ang kaguluyan sa Ballymena matapos ang ulat ng umano’y attempted rape sa isang batang babae, na kinasangkutan ng dalawang katorse-anyos na mga binatilyo na Romanian.

Pero ang galit, tila ibinunton sa mga immigrants—kabilang ang mga Pilipino.

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa London na ilang Pilipino ang target ng racist riot sa Northern Ireland.

Isa sa mga sasakyang sinunog ng mga nagra-rally ay pag-aari ng isang kababayan natin — bagay na ikinadismaya ng Embahada, dahil nadadamay pati ang mga inosenteng Pilipinong naninirahan sa lugar

Hinikayat ng embahada ang mga Pilipino sa Ballymena at karatig-lugar na mag-ingat, manatiling alerto, iwasan ang matataong lugar, at makipag-ugnayan agad kung may pangamba.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble