Mahigit 1,800 na preso, nakatakas sa Nigeria

NAKATAKAS ang 1,844 na preso sa Nigeria matapos salakayin ng mga armadong kalalakihan ang Owerri Custodial Center sa Imo state.

Ayon sa Nigerian Correctional Service mula sa naturang bilang ng tumakas, 6 na preso ang bumalik habang 35 naman ang tumangging umeskapo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dumating lunes ng madaling araw ang mga suspek na may dalang rocket-propelled grenades, machine guns, mga pampasabog at rifles sakay ng mga pick up truck at mga bus.

Inakusahan naman ng pulisya ang separatist group na indigenous people of Biafra ang nasa likod ng pag-atake, na itinanggi naman ng grupo.

Ayon kay President Muhammadu Buhari, ang nasabing pag-atake ay “Act of terrorism” na gawa ng “Anarchists”

Inatasan na rin ng Pangulo ang Security Forces ng bansa na tugisin ang mga suspek ng pag-atake at ang tumakas na mga preso.

Samantala, mula noong Enero maraming mga istasyon ng pulisya at sasakyan sa buong south-eastern ng Nigeria ang sinalakay at maraming halaga ng bala ang ninakaw. Walang sinumang nag-angkin ng responsibilidad para sa mga pag-atake.

(BASAHIN: OFWs, hindi kasali sa travel ban mula sa mga bansa na may new COVID-19 strain)

SMNI NEWS