Mga pribadong paaralan, maaaring sumunod sa itinakdang school opening ng DepEd

Mga pribadong paaralan, maaaring sumunod sa itinakdang school opening ng DepEd

METRO MANILA | Abril 22, 2025 – Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na maaaring sundin ng mga pribadong paaralan sa bansa ang itinakdang petsa ng pagbubukas ng klase sa Hunyo 16, 2025 para sa School Year 2025–2026, batay sa DepEd Order No. 012, s. 2025.

Gayunman, nilinaw ng DepEd na hindi ito sapilitan para sa mga pribadong paaralan. Maari pa rin silang magtakda ng sarili nilang school opening sa ilalim ng umiiral na School Calendar Law, basta’t ito ay nakapaloob sa itinatakdang panahon.

Ang pasukan ay dapat magsimula sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lalampas sa huling araw ng Agosto ng parehong taon.

Batay sa inilabas na DepEd Order, ang School Year 2025–2026 ay magsisimula sa Hunyo 16, 2025 at magtatapos sa Marso 31, 2026.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble