Mga probinsiya na apektado ng ASF, bumaba na—DA

Mga probinsiya na apektado ng ASF, bumaba na—DA

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na bumaba na ang mga aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, nasa 19 na lamang na mga probinsiya o katumbas ng 98 barangay ang may aktibong kaso ng ASF.

Ito ay kasunod na rin sa ginagawang hakbang ng ahensiya katuwang ang mga lokal na pamahalaan upang makontrol ang pagkalat ng nasabing sakit.

Nagpaalala rin ang DA sa mga magbababoy na paigtingin pa ang mga biosecurity measure tulad ng pagkakaroon ng malinis at maayos na kulungan ng mga baboy at iba pa.

Samantala, nakatutok na rin ang DA sa sitwasyon sa Oriental Mindoro na may kaso na rin ng ASF.

Nasa 70,000 hanggang 80,000 ang populasyon ng baboy sa nasabing lugar.

Pero, paglilinaw ni De Mesa hindi naman maituturing na major producing area ng karneng baboy ang lalawigan pero kailangan pa ring tingnan ang pangangailangan nito ng sapat na suplay ng baboy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter