PINAG-usapan sa ginanap na Barangay Assembly Day ang mga problemang kinakaharap ng mga residente sa mga barangay ng Upper Bicutan, South Daang Hari, at Wawa sa Taguig City.
Ang pagpupulong na may temang “Barangayanihan: Barangay at Mamamayan, Sama-Sama sa Pagtaguyod ng Bayanihan Tungo sa mas Ligtas at Maunlad na Pamayanan” ay naglalayong mapag-usapan at masolusyunan ang mga suliraning inihain ng mga residente.
Isinusulong din ng pagtitipon ang accountability at transparency ng mga opisyales ng barangay.
Dagdag pa rito, ibinahagi rin sa pagpupulong ang kani-kanilang State of the Barangay Address na nag-uulat ng mga accomplishment ng barangay, pinaglaanan ng kanilang pondo, at mga susunod na proyekto at hakbangin ng kanilang pamunuan.