PAPATAWAN ng parusa ang sinumang pulis sa Mindanao na makikilahok sa usapin ng paghihiwalay ng Mindanao sa Luzon at Visayas.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa pulong balitaan sa Kampo Krame, maaaring i-relief sa kanilang mga puwesto ang mga pulis na mapatutunayang nakikiapid sa mga planong paghiwalay ng Mindanao bilang isang republika.
Giit ng PNP, hindi dapat na nakikisali ang mga pulis sa usaping politikal partikular sa pasali sa mga aktibidad na magdudulot ng kaguluhan at pagkakabaha-bahagi.
Sa ngayon, wala pa namang namo-monitor ang PNP na may mga kasapi silang lumalabag sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Sa kabilang banda, patuloy na iginigiit ng PNP na buo pa rin ang kanilang organisasyon sa kabila ng mga napapaulat na mga banta laban sa Konstitusyon at sa pamahalaan.