BILANG pagkilala sa mga nagawang tagumpay ng mga natatanging pulis sa kanilang serbisyo ay sampu sa mga ito ay pinarangalan.
‘To serve and protect’, ito ang kataga ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Nanumpa ng katapatan upang maging maayos at mapayapa ang ating bayan.
Kaya sa mga krimen at mga banta ng ating bayan ay sila ang kaagad na nandyan at nilalapitan maging sa mga hindi inaasahang kalamidad.
Kamakailan lang ay puspusan at walang tigil ang ginagawa ng ating mga kapulisan para mapuksa ang ilan sa pangunahing problema ng bansa, ang krimen at iligal na droga.
Isa na dito ang pagkasakote sa top 2 most wanted ng Eastern Police District na si Gilbert William Zamora.
Nariyan din ang naging matagumpay na operasyon ng mga kapulisan sa National Capital Region Police Office o NCRPO para hulihin ang mga suspek na sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa isang transgender na si Ebeng Tria Mayor na kalunos-lunos ang sinapit mula sa tatlong suspek.
Matagumpay din ang buy bust operation ng QCPD dahilan para masamsam ang daan-daang gramo ng shabu na aabot sa halagang P4.3 million at pagkaaresto sa suspek na si Khalid Sana Guiabal at marami pang iba.
Kaya upang kilalanin ang ginawang kabayanihan ng mga pulis ay ay iginawad sa kanila ang nararapat na mga parangal ngayong araw
Ilan sa kanila ay makakatanggap ng medalya ng kagalingan kabilang dito sina Police Senior Master Sergeant Joel Torres, Police Corporal Reneboy Bantulo, Police Senior Master Sergeant Joelon Rafael, PCpl Jerome Mendez, PCpl Antonio Salamanque, at PCpl Myrldon Yagi.
Iginawad din ang medalya ng kasanayan kay Police Captain Joy Datul at medalya naman ng papuri ang matatanggap nina PLt Randy Gandingco, PSMS Guillermo Deudor Jr., PCpl Jesson Nabua, Police Staff Sergeant Emmanuel Franche, at PCpl. Mark Contado.
(BASAHIN: Paggamit ng body camera ng PNP sinimulan na)