Mga pulis, palaging handa kontra CTGs –PNP spox

Mga pulis, palaging handa kontra CTGs –PNP spox

PALAGING handa laban sa CPP-NPA-NDF ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Col. Jean Fajardo sa panayam ng SMNI News, ito’y kahit magdeklara o hindi magdeklara ng ceasefire ang nabanggit na teroristang komunistang grupo.

Ibinahagi pa ni Fajardo na simula Disyembre 15, naka-full alert na ang pulisya para sa mas pinalakas na pagbabantay sa bansa ngayong holiday season.

Madalas na idine-deploy ang mga pulis at force multiplier sa mga matatao o pampublikong lugar.

Kasunod ito sa pahayag ng CPP na walang dahilan para magdeklara sila ng tigil-putukan ngayong Kapaskuhan at sa nalalapit nila na 54th anniversary.

Anila, patuloy pa rin ang US-Marcos regime at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa state terrorism at armed suppression laban sa sambayanang Pilipino.

May pwersa pa rin umano ng mga sundalo sa mga komunidad ng magsasaka at minorya maging ang brutal na panlulupig sa mga pinagsususpetiyahang sumusuporta sa New People’s Army (NPA).

Samantala, naniniwala si Fajardo na ang pagkamatay ni Joma Sison ay pagbubukas na ng panibagong yugto para sa mga kasapi ng CPP-NPA-NDF.

Sana aniya’y mabuksan na ang kaisipan ng mga ito at sumuko o magbalik-loob na.

Follow SMNI News on Twitter