Mga residente ng Albay, pinag-iingat kasunod ng pagputok ng Mt. Mayon

Mga residente ng Albay, pinag-iingat kasunod ng pagputok ng Mt. Mayon

PINAG-iingat ang mga residente ng Albay kasunod ng pagputok ng Mt. Mayon noong araw ng Linggo, Pebrero 4.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang pagputok bandang 4:37pm na tumagal ng apat na minuto at siyam na segundo.

Ang pagsabog ay nagdulot ng rockfall at pyroclastic density currents (PDC) at usok na umabot sa 1,200 metro ang taas.

Ayon kay Dr. Cedric Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) wala namang naitalang ash fall sa mga bayang malapit sa bulkan tulad ng Daraga, Camalig, at Guinobatan.

Sa ngayon ay nanatiling nasa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble