BAKAS sa mukha ng mga bata, kabataan, adult-alike at lalo na ng mga balikbayan ang saya ng Pasko sa isinagawang simultaneous Christmas lighting and fireworks display sa Paseo de Belen at Quintos Bridge sa Dagupan City nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 7, 2023.
Ito’y pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez, Vice Mayor BK Kua, Councilors Mike Fernandez, Marcelino Fernandez, Jigs Seen at iba pang miyembro ng minority councilors.
“Well, actually, we really prepared for this day, ‘yung sabi nila na wala pa ang Dagupan. Pero ang talagang, timing nila is Dec. 7. So, I’m very happy and I would like to congratulate Councilor Lino Fernandez, ‘yung chairman ng fiesta, and of course, the City Engineering Office and the other departments, na they work together to make this, Silew-Silew, the lighting, a successful one,” ayon kay Mayor Belen Fernandez, Dagupan City.
Ayon pa kay Fernandez na isa sa nag-organisa sa nasabing event,
“Ito’y ginawa nating clusters ang 31 barangays ano, may mga kasama na tatlong barangay bawat isang Belen natin. So, ito ay ginagawa natin taon-taon para may pupuntahan ang mga taga-Dagupan na gustong pumunta dito sa Paseo de Belen,” ayon kay Hon. Marcelino Fernandez, Councilor, Dagupan City.
Bago ang lighting ceremony, nagpakita ng talento ang Dagupan City National High School Drum and Lyre, DCNHS Dance Group at UDD Corps.
May pa-contest din ang lungsod sa mga may pinaka-magandang mga lantern at Belen kung saan ang mga balikbayan ang magiging judge.
Maituturing ni Mayor Belen na pinaka-masayang Pasko ang taong 2023 matapos muling ideklara ng Department of Budget and Management (DBM) na ‘operative in its entirety’ ang budget ng lungsod, kung saan naibigay na ang mga benepisyo at dagdag na sahod para sa mga empleyado ng lungsod at nakabili na ng mga importanteng gamot ang Dagupan LGU.
“Kayang-kaya nating gawin, imagine, Mamamayang Project, bago ako umalis, dalawa. And then, after today, marami pa akong gagawin na mga maraming projects. In fact, for bidding na’ yung iba. Well, I think ‘yung Pag-Asa Village, ‘yung ibang Flood Mitigating Program ay maa-address na po. Kaya bang gawin? Kayang-kaya natin, because, we are very much inspired for the people of Dagupan. Naka-ready ako parati and there was not even an incident na iniisip natin na hindi maibibigay sa taumbayan,” ani Mayor Fernandez.
Tuloy rin ang pagpapagawa ng mayora ng Super Health Center at Mother and Child Hospital na ipatatayo sa Brgy. Pantal.
Sa naging pagbisita ng alkalde kasama ang mga ilang opisyales ng lungsod sa Milpitas City, California, United States of America, natutuhan nito ang paghahanda ng buffet o kainan para sa mga indigent na hindi nakapagdiriwang ng Thanksgiving Day.
“I think I would encourage, the MYK or the SK to work with me and to come up with a Noche Buena naman for indigents of per city. Siyempre, hindi naman, buong siyudad ano. Pero, I think, we need to have a program like that. And then, ‘yung mga services na kailangan i-improve ng Dagupan City, alam ko, marami na tayong services eh,” aniya.
Bukod pa rito, balak din ni Mayor Belen na magkaroon ng magandang library para sa mga batang Dagupeño.
Inanunsiyo rin ng alkalde ang pagtatayo ni Cong. Toff de Venecia ng museum sa lungsod ng Dagupan.
Sa huli, mensahe ni Mayor Belen ngayong Pasko ang reconciliation at pagkakaisa ng lahat ng mga opisyal ng lungsod ng Dagupan at alisin na ang anumang kulay ng politika.