Mga residente sa San Ysiro sa Antipolo nakiisa sa pagpupulong para sa kapayapaan kontra NPA

Mga residente sa San Ysiro sa Antipolo nakiisa sa pagpupulong para sa kapayapaan kontra NPA

BILANG bahagi ng patuloy na kampanya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, nagsagawa ng isang pagpupulong ang kasundaluhan ng 80th Infantry Battalion kasama ang mga opisyales ng Sitio San Ysiro, Brgy San Jose, Antipolo City, Rizal sa pamumuno ng barangay kapitan at mga kagawad mula sa nasabing lugar.

Layon ng nabanggit na aktibidad na ipaalam sa mga residente ang kasalukuyang kalagayan ng seguridad sa kanilang lugar hinggil sa nangyaring engkuwentro ng mga kasundaluhan at ng NPA kamakailan.

Pinaliwanag din ng mga kasundaluhan ang mga hakbang upang matugunan ang mga banta mula sa mga grupo ng NPA na kumikilos sa kanilang lugar.

Pinayuhan din ang mga mamamayan na maging maingat at mag-report ng anumang kahina-hinalang aktibidad na makikita nila para maiwasan ang kaso na napapaloob sa Anti Terrorism Act of 2020 na kung saan ay puwede silang mabilanggo ng 12 na taon o higit pa sa mga magbibigay ng suporta sa armadong grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble