Mga residenteng malapit sa Bulkang Kanlaon, pinag-iingat sa peligrong dulot ng pagragasa ng lahar

Mga residenteng malapit sa Bulkang Kanlaon, pinag-iingat sa peligrong dulot ng pagragasa ng lahar

PINAG-iingat ng pamahalaan ang mga residente sa Negros Island kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon at pagragasa ng lahar nito.

Ayon kay OCD Administrator, Usec. Ariel Nepomuceno, nananatiling nakaalerto ang kanilang regional counterparts sa Western at Central Visayas para sa posibleng paglala ng sitwasyon.

Puspusan aniya ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa mga kinauukulang ahensiya gayundin sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga angkop na hakbang at posibleng pagpapaabot ng suporta.

Giit ni Nepomuceno, sa mga panahong ito mas kinakailangang maging laging handa dahil sa pinangangambahang tatagal pa ang mga nararanasang emergency sa lugar.

Araw ng Miyerkules, Hunyo 5, 2024 nang muling nagpulong ang mga opisyal ng OCD-National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan, tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon gayundin ang mga kinakailangang paghahanda sa mga susunod pang pagputok ng bulkan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter