Mga sasali sa transport strike sa SONA, puwedeng matanggalan ng prangkisa—LTFRB

Mga sasali sa transport strike sa SONA, puwedeng matanggalan ng prangkisa—LTFRB

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa maaaring ipapataw na parusa para sa mga jeepney driver na sasali sa isasagawang transportation strike sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, dapat pag-isipan nang maigi ng jeepney drivers ang kanilang gagawing pagsali sa transport strike dahil maaaring mapawalang-bisa o masuspinde ang kanilang prangkisa.

Ayon kay Guadiz, tinatayang aabot sa isanlibo hanggang dalawang libong jeepney driver ang sasali sa transport strike na pinangunahan ng grupong Manibela.

Samantala, ibinahagi ni Guadiz na ikinagulat niya ang planong strike na ito ni Manibela Chairman Mar Valbuena dahil nakausap na niya ito hinggil sa mga hinaing ng grupo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter