Mga senador, dapat makinig sa 301 kongresista na pabor sa Cha-cha

Mga senador, dapat makinig sa 301 kongresista na pabor sa Cha-cha

HINIMOK ni Quezon Rep. David Suarez ang mga senador na makinig sa 301 kongresista na pabor sa Charter Change (Cha-cha).

Kamakailan, 301 na mga kongresista ang bumoto pabor sa Cha-cha sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con).

Ayon kay Suarez, dapat makinig ang 24 senador sa overwhelming na suporta ng mga kongresista sa Cha-cha lalo na’t sila ang duly representatives ng lahat ng district mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

At kung nais agad makabangon ng bansa sa epekto ng pandemya, ang pinakamainam na solusyon dito ay luwagan ang Konstitusyon.

‘’Pakinggan po sana ng ating mga senador ang boses ng nakararami sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagnanais na makatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya mula sa pagkakasadlak nito nang dahil sa COVID-19 pandemic,’’ ani Suarez.

Nauna nang iginiit ng liderato ng Senado na walang suporta ang Cha-cha sa Mataas na Kapulungan.

May mga ilang senador naman tulad nina Senators Robin Padilla, Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Bong Go ang pabor sa Cha-cha.

Follow SMNI NEWS in Instagram