Mga Senador, hinikayat na ipasa ang panukalang batas na magpataw ng kulong sa nuisance candidates

Mga Senador, hinikayat na ipasa ang panukalang batas na magpataw ng kulong sa nuisance candidates

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang kaniyang mga kapwa mambabatas sa Senado na ipasa ang kaniyang inakdang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa para sa mga nuisance candidates.

Layunin nito ay upang hadlangan ang mga masasamang salungatan sa pulitika na kung minsan ay humahantong sa hindi makatwirang pagkawala ng buhay.

Ito ay inihayag ni Gatchalian habang dinidinig ng Senado ang mga detalye sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Taong 2022 pa inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 1061 (An act providing ground for cancelling the certificate of candidacy of a nuisance candidate and making the acts of a nuisance candidate an election offense).

Sa ilalim ng panukalang batas, ang sinumang taong mapatunayang nagkasala ng anumang election offense, kabilang ang pagiging nuisance candidate, ay papatawan ng parusang kulong na hindi bababa sa isang taon pero hindi lalagpas sa 6 na taon at hindi sasailalim sa probation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter