Mga taga-Hong Kong, pinag-iingat sa matinding init ng panahon matapos tumaas ang elderly hospitalization

Mga taga-Hong Kong, pinag-iingat sa matinding init ng panahon matapos tumaas ang elderly hospitalization

PINAG-iingat ngayon ang mga residente sa Hong Kong dahil sa matinding init ng panahon.

Summer season kasi sa Hong Kong ngayon kung saan lumalampas na sa 34 degrees Celsius ang init ng panahon.

Dahil diyan, tumaas sa 20% sa loob ng isang linggo ang elderly hospitalization sa Hong Kong o mga senior citizen na na-oospital.

Babala ng Senior Citizen Home Safety Association (SCHSA) ang publiko sa pag-usbong ng ‘extremely hot’ na panahon.

“During the recent persistently very hot weather, the SCHSA has seen a significant increase in the number of help requests from the elderly and recorded a surge of over 20 percent in the number of elderly individuals being sent to hospitals within a week,” saad ni Maura Wong, CEO, Senior Citizen Home Safety Association.

Kahapon, araw ng Huwebes, Hunyo 27, naitala sa Tsim Sha Tsui ang pinakamainit na araw sa Hong Kong sa 34.4 degree Celsius.

Pinaalalahanan naman ng SCHSA ang elderly population sa Hong Kong na huwag maglalalabas ng bahay kung wala namang importanteng lakad.

Lalo na’t prone ang mga ito sa heatstroke, lalo na ‘yung mga walang airconditioning units sa bahay.

“We urge the elderly and their families to remain vigilant in very hot weather to prevent heatstroke. If they feel unwell, they should immediately seek help through the ‘care-on-call’ service or seek medical advice,” dagdag ni Wong.

Ngayong araw, inaasahan na papatak sa 35 degrees Celsius ang init sa Hong Kong.

Dahil sa epekto ng climate change, inaasahan ng mga eksperto sa Hong Kong na magiging madalas na ang extreme weather sa bansa.

Resulta nito ay ang mas maiinit na panahon, mas matinding pag-uulan at mas malalakas na mga bagyo.

Ganito ang sakripisyo na hinaharap ng ating mga kababayang OFW sa Hong Kong kung saan hindi naman nalalayo ang panahon sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Hong Kong Government, mahigit na sa 200,000 ang OFWs sa bansa—mayorya sa mga ito sa household sector.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter