Mga taga-San Ildefonso, Bulacan, umaasang aalwan ang buhay oras na manalo si Pastor Apollo Quiboloy

Mga taga-San Ildefonso, Bulacan, umaasang aalwan ang buhay oras na manalo si Pastor Apollo Quiboloy

BILANG bahagi ng mas pinalawak pang nationwide simultaneous campaign rally na “Ayusin Natin ang Pilipinas,” tinahak ng DuterTEN ang liblib na barangay ng Bubulongmunti sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan.

Mainit at buong sigasig silang sinalubong ng mga residente na sabik na makita ang mga pambato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Bagama’t aminado ang marami sa kanila na hindi nila ganap na kilala ang lahat ng kandidato ng dating pangulo, kabilang na si Pastor Apollo C. Quiboloy, dahil sa kakulangan ng akses sa telebisyon at iba pang midya, hindi ito naging hadlang sa pag-usbong ng kanilang tiwala.

Nang malaman nilang isang Pastor si Pastor Quiboloy, lumalim ang kanilang paniniwala na mabuting tao ito at may dalang tunay na malasakit sa kapwa. Kaya naman ngayong nalalapit na midterm elections, bukas ang kanilang loob na suportahan ang mga bagong mukha sa politika—lalo’t ang kanilang tanging hangad ay ang tunay na pagbabago at pag-angat ng kanilang kabuhayan.

Ipinahayag din nila ang matinding hamon ng pamumuhay sa kanilang lugar:

Mahirap ang patubig para sa kanilang pagsasaka, na siyang pangunahing ikinabubuhay ng marami.

Wala rin silang sariling high school, dahilan upang ang mga kabataan ay mapilitang bumiyahe nang malayo para makapag-aral.

Wala rin silang health center, kaya’t sa oras ng pangangailangan, malayo pa ang kailangang lakbayin upang makakuha ng serbisyong medikal.

Huwag mag-alala ang mga taga-San Ildefonso dahil, kapag maluklok sa puwesto, ipinapangako ni Pastor Quiboloy na gagawin niyang ‘First World Country’ ang Pilipinas.

Aayusin niya ang transport system ng bansa, lilikha siya ng maraming trabaho para sa mga Pilipino, pananagutin niya ang mga kurap, pagagandahin ang bansa, at pauunlarin ang health sector para sa isang malusog na Pilipinas.

Ayon pa kay Pastor Quiboloy, aabutin din niya ang mga liblib na lugar para maihatid ang serbisyong medikal at gamot sa mga nangangailangan.

“We need a healthy Philippines. Puro kailangan malusog ang mga tao, matanda man o bata man o binata man, dalaga o babae man.”
“Kaya sa kalusugan iniindorso ko ang Mobile Health Services Program, upang dalhin ang serbisyo ng kalusugan sa lahat ng ating mamamayan, mga kabilang na rito ang pamamahagi ng libre na gamot, direkta ito sa mga liblib na pamayanan, gamit ang mobile clinic, sapagkat hindi ang lahat maka-afford na pumunta sa ospital.”

“Ako po ay nagkaroon ng pneumonia noong ako ay nasa Camp Crame ano, dinala ako doon sa Philippine Heart Center, nakita ko doon ang mga nakalinyang tao sa kanilang garahe, ‘yung kanilang parking lot. Nagtanong-tanong ako, ang iba doon nasa isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan na, doon sila, naghihintay para mapagamot, hanggang ang iba namatay na nga, kaya nasaktan masyado ang aking puso, sapagkat ito ang isa sa aking nakikitang hindi inaasikaso ng ating pamahalaan,”ayon kay Pastor Apollo Quiboloy, Senatorial Candidate.

Babantayan din ni Pastor Quiboloy ang pondo ng PhilHealth upang matiyak na bawat sentimo nito ay makarating sa bawat Pilipino, at mapalawak pa ang saklaw ng serbisyong pangkalusugan para sa lahat, lalo na sa mga pinaka-nangangailangan.

“Kaya ang PhilHealth, mahalaga ‘yan, merong budget pero hindi ginagamit doon sa kalusugan na dapat ito’y ipagbigay na libre, ang gamot sa lahat ng tao sa Pilipinas. Bilyon-bilyon po ang pera natin d’yan ngunit hindi ginagamit sa wasto. So, ipalalawak ko ang saklaw ng PhilHealth, upang masaklaw ang mas marami pang gamot, outpatient, pangangalaga at mga programa sa pagpapagaling o ‘yung rehabilitation, para sa mga pamilyang may mabababang kita,” giit ni Pastor Quiboloy.

Para sa isang political vlogger na si Badong, buo ang kaniyang paniniwala na maisasakatuparan ni Pastor Apollo Quiboloy ang lahat ng ipinangako nitong pagbabago para sa bayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble