Mga taga-Sultan Kudarat hindi pipigilan na maglabas ng hinanaing matapos makuha ng ICC si FPRRD

Mga taga-Sultan Kudarat hindi pipigilan na maglabas ng hinanaing matapos makuha ng ICC si FPRRD

PUMALAG ang mga residente ng probinsiya ng Sultan Kudarat sa sinapit ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kamay ng Marcos Jr. administration.

Sa post ng Arangkada Pilipino News Network, inilarawan na “grass roots” ang mga nakiisa sa ginanap na prayer rally kamakailan sa probinsiya.

Mula sa kani-kanilang mga bahay, lumabas ang mga tao—mga ama, ina, kabataan, at maging mga matatanda—bitbit ang mga placard at tarpaulin na may nakasulat na mga mensahe ng pagmamahal at paninindigan para sa kanilang Tatay Digong.

Naka-detine ngayon sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, ang dating Pangulo dahil sa umano’y mga paglabag habang ipinatutupad noon ang kaniyang anti-drug campaign.

Kampanyang suportado ng mayorya ng mga Pilipino kahit tapos na ang Duterte administration.

Ang iba’t ibang prayer rally at motorcade sa buong bansa, kasama na ang sa Sultan Kudarat, ay mga aksiyon ng pagkuwestiyon sa due process ng agarang pagkakadala sa dating Pangulo sa kamay ng mga dayuhan.

Lalo pa’t hindi ito dumaan sa lokal na korte sa Pilipinas para ipagtanggol ang sarili.

Komento diyan ng governor ng Sultan Kudarat…

“Hindi pwede na magsurrender lamang tayo sa iba’t ibang bansa. Hindi pwede na isuko lang natin ang kapwa Pilipino. Hindi pwede na basta-bastahin lang natin ang pang-aapi sa ating mga kababayan. Remember, when we stood against oppression, we stand against it in all shapes and in all forms.”

“The people of Sultan Kudarat are emotional and surprised—gulat na gulat. And I think the whole country is naman no. And I really do hope that there will be a better and brighter day for the Philippines. Whether we like it or not, it is surprising to anyone. Ang iba ay naiiyak, ang iba ay na-heartbreak, ang iba talaga hindi makapaniwala na ganito ang naging kondisyon ng Pilipinas,” saad ni Governor Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.

Hindi naman tututol ang provincial government sa mga prayer rally na gagawin pa ng mga taga-probinsiya para kay dating Pangulong Duterte.

Dahil ayon kay Governor Mangudadatu, gina-garantiya ng Konstitusyon ang freedom of expression ng bawat Pilipino.

“They are free to express everything they want to express. Katulad ng aking nabanggit, hindi ko pinipigilan ang ating mga kababayan to protest, to rally, to voice out, walang problema sa atin diyan. Go ahead! We are even happy and we are even honored na nakikita natin ang ating mga kababayan na empowered. It is their right, it is their exercise na ipakita nila ang freedom of expression nila. Ipakita nila kung ano ang gusto nilang direksyon ng ating bansa. And as a governor, hindi ko po pipigilan ang ating mga kababayan,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble