Mga Tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy, nakiisa sa pulong-pulong sa Palompon, Leyte

Mga Tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy, nakiisa sa pulong-pulong sa Palompon, Leyte

Palompon, Leyte – Buong pusong nakiisa ang mga tagasuporta ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa ginanap na pulong-pulong sa Barangay Cantandoy, Palompon, Leyte, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na kampanya ng PDP-Laban sa rehiyon.

Sa pagtitipon, ibinahagi ng mga kinatawan ni Pastor Quiboloy ang kanyang mga adhikain para sa bansa, kabilang ang mga programa para sa kaayusan, moralidad, at kapakanan ng mga mamamayan. Buo ang suporta ng mga dumalo sa panawagang ituloy ang mga prinsipyo ng matatag at makadiyos na pamumuno.

“Hindi lang ito tungkol sa eleksyon, ito ay tungkol sa kinabukasan ng ating bayan,” pahayag ng isa sa mga tagasuporta.

Ang pulong-pulong ay naging pagkakataon din para sa mga residente na magkaisa at makinig nang sama-sama, nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga isyung pambansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter