Mga talento ng kabataan sa Caraga ibinida sa RYC ng Keepers’ Club Int’l

Mga talento ng kabataan sa Caraga ibinida sa RYC ng Keepers’ Club Int’l

IKA nga ang ‘kabataan ang pag-asa ng bayan’ kaya naman ibinida ng mga ito sa Caraga ang kanilang mga talento sa ginanap na taunang Regional Youth Congress (RYC) ng Keepers’ Club International sa lungsod ng Butuan.

Ang mga kabataang ito ay nagmumula sa iba’t ibang lugar sa Caraga gaya na lang sa lalawigan ng Agusan del Norte.

“Talagang masaya at namangha ako sa nangyaring Regional Youth Congress ngayong taon,” ayon kay Augie Bryan Galendez, Delegate, Agusan del Sur.

“Talagang napakasaya—may sayawan kahit mayroong sakripisyo pero okay lang dahil nagkakaisa kami at masaya talaga kami,” wika ni Precious llido, Delegate, Surigao del Sur.

Nagsimula ang tagisan ng talento mula sa power dance competition sinundan naman ito ng indoor games gaya ng word factory, scrabble, at chess.

Hindi rin mawawala ang sports activity gaya ng volleyball na mayroong para sa mga babae at mayroon ding para sa mga lalaki.

Ibinida ng mga kabataang ito ang kanilang mga talento sa pag-awit sa pamamagitan ng music fest gaya na lang ng choir competition, solo singing, at ensemble.

Andyan din ang Bible quiz, preaching at teaching competition.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga miyembro ng Keepers’ Club International kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagtatag ng nasabing grupo para mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na ipakita ang kanilang mga talento.

“Gusto ko magpasalamat to our Beloved Pastor Apollo C. Quiboloy for giving me this privilege to join this year’s Regional Youth Congress. Ang masasabi ko, my experience was fun and tiring also and I learned a lot. I met people, I met my fellow brothers and sisters from different areas. Kitang-kita naman na kami lahat ay nag-enjoy,” wika ni Angel Cano, Delegate, Agusan del Norte.

“Maraming salamat Pastor sa malaking oportunidad na ibinigay niyo sa amin sa Regional Youth Congress. Malaking tulong ito sa mga kabataan. Nagbibigay ito ng gabay para sa pang-araw-araw na pamumuhay—nagbibigay ito ng suport. Salamat, Pastor,” ayon kay Clowee Dialde, Delegate-Surigao del Norte.

Matatandaan na kamakailan lamang ay kinilala ng Butuan City Youth Development Council ang Keepers’ Club International dahil sa mga naiambag nito sa komunidad.

“I would like to first thank our Pastor Apollo C. Quiboloy for giving this opportunity. One day ang lahat ng mga Program ni Pastor, lalaganap sa buong Caraga Region, we are expecting na mas dadami ‘yung members ng Keepers’ Club International. Recently, we were recognized by the City Youth Development Council of Butuan City. Kasi si Pastor Apollo C. Quiboloy believes, ang Kabataan ang pag-asa ng ating bayan,” ayon kay Joel Vigilia, Program Coordinator, Keepers’ Club International.

Sa pagtatapos ng makulay at makabuluhang Regional Youth Congress ng Keepers’ Club International sa Butuan City, muling napatunayan ng kabataan ng Caraga na sa kabila ng mga hamon, sila’y may taglay na galing, sipag, at pagkakaisa.

Sa suporta ng kanilang komunidad at inspirasyon mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy, patuloy nilang pinapatunayan na ang kabataan—ay hindi lang pag-asa ng bayan—kundi pag-asa ng mas maliwanag na kinabukasan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter