GINAWARAN ng parangal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang tatlo sa mga matatapat na tauhan ng ahensiya.
Tatlong security officer ng Roxas Airport ang ginawaran ng parangal ng CAAP, araw ng Lunes.
Kinilala sina Dianalyn Ignacio, Jessie D. Amoroso, Dewnil L. Husada, at security guard na si Steward Lapat ang binigyan ng parangal at certificates of appreciation ni Director General Captain Manuel Antonio L. Tamayo para sa kanilang natatanging dedikasyon sa kanilang mga trabaho at ang kanilang katapatan sa hanay ng kanilang serbisyo.
Si Dianalyn Ignacio, isang tauhan ng CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) na nakatalaga sa departure area ng Roxas Airport, ay nagbalik ng isang sling bag na naglalaman ng cash na nagkakahalaga ng 200,000 piso, gamot at mahahalagang dokumento na pag-aari ng isang dating gobernador ng Capiz.
Habang sina Husada at Amoros, dalawa sa mga awardees mula sa CSIS sa Roxas Airport ay nag-turn-over ng mahahalagang bagahe na naglalaman ng mga alahas at mahahalagang dokumento na naiwan ng isang dayuhang pasahero sa arrival area ng Roxas Airport.
Naibalik naman ni Steward Lapatan, na isang security guard ng nawawalang file organizer na naglalaman ng cash na nagkakahalaga ng 32,000 pesos at iba pang mahahalagang dokumento na iniwan ng pilot client noong Marso 24 sa Flight Standards Inspectorate Service (FSIS) building sa Pasay City Central Office.
Bukod sa mga nabanggit nagbigay rin ng parangal si DG Tamayo sa mga empleyadong nagserbisyo ng hindi bababa sa 40 taon sa CAAP.