SUMAILALIM sa 2 Day Cyber Skills Development Activity ang mga tauhan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ito ay bilang tugon laban sa paglaganap ng cyberattacks sa mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan.
Nagsimula ito noong Pebrero 24-25, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inaasahang maia-apply nila ang theoretical knowledge sa practical setting, foster collaboration, at pagpapalakas ng critical thinking at problem-solving skills.
Bukod sa mga opisyal ng Philippine Army, nakibahagi rin ang mga kinatawan mula sa Academe at Civilian Community.
“With our vision to enable a strong Army, we also dedicate this event to all of you not just to showcase our cyber capabilities but also to provide a glimpse of how we can better defend the volatile cyber domain,” saad ni Army Signal Regiment Commander Brig. Gen. Alejandro J. Papa.