Mga testigo ni Hontiveros vs Pastor Apollo Quiboloy, ‘recycled’ lang ayon kay Atty. Roque

Mga testigo ni Hontiveros vs Pastor Apollo Quiboloy, ‘recycled’ lang ayon kay Atty. Roque

PURO recycled lang ayon kay Dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang mga testigong pinapaharap laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kaugnay ito sa pagdinig ni Sen. Risa Hontiveros sa mga akusasyon laban sa butihing Pastor.

Sabi ni Roque, posibleng inggit ang isang dahilan kung bakit pilit na pinupuntirya si Pastor Apollo.

Sa tingin niya, may iba pang motibo sa ginagawang imbestigasyon laban sa butihing Pastor.

Kung talagang in aid of legislation ang imbestigasyon kay Pastor Apollo, dapat aniyang isulat ng Senado ang batas na nais nilang mabuo kaugnay dito.

Samantala, una nang sinabi ni Hontiveros na maaaring makulong si Pastor Apollo kung hindi sisiputin ang pagdinig kaugnay sa alegasyon ng umano’y mga pang-aabuso.

Iginiit naman ni Roque na ang pagdinig ng mga kaso at desisyon ng pagsampa ng kaso ay hindi trabaho ng lehislatura.

Binanggit din ni Roque ang kaso ng opisyal ng Pharmally na si Lincon Ong kung saan sinabi ng korte na hindi maaaring basta-basta magpakulong ang Senado dahil kailangan irespeto ang karapatan ng inaakusahan.

Nauna nang hinamon ni Pastor Apollo si Hontiveros na isampa sa korte ang mga paratang laban sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble