Mga tourism kiosk, ipatatayo sa mga kilalang mall sa bansa

Mga tourism kiosk, ipatatayo sa mga kilalang mall sa bansa

MAGPATATAYO ng mga tourism kiosk sa mga kilalang mall sa bansa.

Isa ito sa napag-usapan nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at SM Supermalls President Steven T. Tan.

Binanggit naman ni Secretary Frasco ang strategic position ng SM Malls sa buong bansa para maipakita ang mga naggagandahang destinasyon ng Pilipinas.

Iminungkahi ng kalihim ang paglalagay ng Department of Tourism (DOT) Information Kiosks sa mga SM Malls sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, kung saan kaagad na sinang-ayunan ni Tan.

Ipinaabot ni Tan ang walang patid na suporta ng SM Supermalls kay Secretary Frasco at ang kanyang pagsisikap na pasiglahin ang industriya ng turismo alinsunod sa bisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

Follow SMNI News on Twitter