TUTUNGO sa Singapore ang Danish band na Michael Learns to Rock ngayong Setyembre 9.
Dadaluhan nila ang isang charity concert sa Our Tampines Hub.
Ang benepisyaryo ng concert ay ang social service agency na Dementia Singapore.
Magsisimula ang ticket selling sa Hulyo 12 via All Access Asia.
Ang Michael Learns to Rock ay sikat sa mga kanta tulad ng “25 Minutes”, “That’s Why”, “Paint My Love”, “The Actor”, Sleeping Child”, at “Complicated Heart”.
Huling nakabisita ang Michael Learns to Rock sa Singapore noong Oktubre 2022 sa The Star Theatre.