Microsoft maglalaan ng 400M dollars para sa AI at cloud computing sa Switzerland

Microsoft maglalaan ng 400M dollars para sa AI at cloud computing sa Switzerland

MAGLALAAN ang American I.T. corporation na Microsoft ng 400 million dollars sa Switzerland.

Gagamitin ito para sa pagpapaunlad ng kanilang cloud computing at artificial intelligence infrastructure sa naturang bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroong apat na data centers ang Microsoft sa Geneva at Zurich.

Ginagamit ito para sa mas mahusay na pangangasiwa ng mga negosyo sa Switzerland.

Mas napapaganda pa nito ang mga serbisyo gamit ang artificial intelligence lalo na sa mga importanteng sektor gaya ng healthcare, finance at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble