Mikael Daez sa pagbabayad ng tax ng mga vlogger: maging responsable

Mikael Daez sa pagbabayad ng tax ng mga vlogger: maging responsable

“MAGING responsable sa obligasyon bilang Pilipino”.

Ganito sinagot ng actor-vlogger na si Mikael Daez ang tanong kung payag ba sya na magbayad ng tax ang mga vloggers.

Tingin ng aktor sa paksa, patas naman aniya ang tungkuling ito lalo pa’t dumarami na rin ang mga gumagawa nito na itinuturing na rin na kakaibang negosyo ngayon.

Ang paalala lang ni Mikael sa pagiging vlogger ay maging mas educated sa sistema nito at maging aware.

Samantala, sa mga content nito sa kanyang vlog, katuwang nya ang asawang si Megan Young kung saan nagbibigay sila ng relationship advice base sa kanilang personal experience.

 

 

SMNI NEWS