Mikhail Red, nais makakuha ng puwesto sa 2024 MMFF para sa kaniyang bagong horror film

Mikhail Red, nais makakuha ng puwesto sa 2024 MMFF para sa kaniyang bagong horror film

TARGET ng upcoming horror film na “Lilim” na maging entry para sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa direktor nito na si Mikhail Red na co-writer rin ng pelikula kasama ang kaniyang kapatid na si Nikolas Red ay sentro sa isang supernatural at goth horror story noong 80s.

Ibang-iba rin ito sa kaniyang una nang mga pelikula gaya ng 2018 horror/crime film na “Eerie” na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio at ang 2022 horror/sci-fi film na “Deleter” na pinagbidahan nina Nadine Lustre, Louise delos Reyes, McCoy de Leon, at Jeffrey Hidalgo.

Ang “Lilim” ay pagbibidahan ni Heaven Peralejo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble