MASAYANG inanunsiyo ng aktres na si Miles Ocampo na siya ay cancer-free na ngayon matapos sumailalim sa isang thyroid surgery noong nakaraang taon.
Bagamat panghabambuhay na ang maintenance nito, malaki pa rin ang pasasalamat ni Miles dahil at least, naoperahan na siya mula sa sakit.
Wala namang ibang maipapayo si Miles sa lahat ng dumadaan sa kaparehong sitwasyon kundi manalig lamang aniya sa Panginoon.
Matatandaang noong Disyembre, nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night matapos naging tampok ito sa pelikulang “Family of Two”.