NAGPAHAYAG ng kanilang saloobin ang mga botante sa Mindanao hinggil sa pamamalakad ngayon ng Marcos Jr. administration.
Batay ito sa PAHAYAG 2024 First Quarter Survey ng Publicus Asia.
Sa tanong kung pinagsisihan ba nila ang pag-boto kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2022 Presidential Elections, 35% sa respondents mula Mindanao ang nagsabing oo.
Sunod sa mga nagsisi sa pagbibigay ng suporta ay ang mga respondent sa Visayas na may 18%, 12% naman mula sa North Central Luzon at 10% mula sa National Capital Region.
Nasa 1,500 ang respondents ng survey nationwide mula Marso 14-18, 2024.
Matatandaan na dalawang malalaking campaign rally ang ginawa sa Mindanao noong eleksiyon—isa sa Sultan Kudarat bilang pagsuporta ng Muslim community kay Marcos Jr. at ang campaign sortie sa Tagum City.
Isa sa mga proyekto na hindi mapopondohan ng Marcos Jr. ay ang inaasam na Mindanao Railway Project na inaasahan sanang maghahatid ng malaking economic boost sa buong isla ng Mindanao.
Samantala, sa tanong naman kung masaya pa sila sa pamamalakad ng Presidente, 56% sa respondents mula sa National Capital Region ang nagsabing oo.