Minimum age para sa papahintulutang gumamit ng vape, iminungkahing itaas ng isang doctor

Minimum age para sa papahintulutang gumamit ng vape, iminungkahing itaas ng isang doctor

IMINUMUNGKAHI ni Southeast Asia Tobacco Control Alliance Executive Director Dr. Ulysses Dorotheo sa Senado na taasan ang minimum age ng mga indibidwal na maaaring gumamit ng vaping products.

Aniya, mainam kung 25 years old pataas na lang ang bibigyang pahintulot sa paggamit nito dahil ito rin ang edad kung saan humihinto na ang adolescent brain development.

Sinang-ayunan din ng Food and Drug Administration (FDA) ang mungkahing ito ni Dr. Dorotheo.

Sa kasalukuyan, ang edad 18 pataas ang pinapayagang gumamit ng vape products.

Matatandaang hinikayat na rin ni Sen. Pia Cayetano ang Department of Trade and Industry na bigyang-pansin ang mga binebentang uri ng vapes na fruit-flavored at may disenyong nakakaakit sa kabataan.

Sa isang Senate hearing, sinabi ni Sen. Pia na ang DTI ang may hurisdiksyon na tugunan ito lalo na’t ipinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng mga ganitong uri ng produkto na nakakaakit sa mga kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter