MAGSASAGAWA ng concert sa Pilipinas si Minzy, ang dating miyembro ng South Korean girl group na 2NE1.
Sa anunsiyo ng local organizer na Neuwave Events & Productions, gagawin ito sa June 4 sa New Frontier Theater.
Ang concert ay bahagi ng kaniyang kauna-unahang Asia tour na may pamagat na “Glee”.
Taong 2020 nang inilunsad ni Minzy ang kaniyang career sa Pilipinas sa pamamagitan ng Viva Artists Agency, open door artists, at MZ Entertainment ng South Korea.