ISASAGAWA sa Disyembre sa Vietnam ang coronation ng Miss Earth.
Sa social media post ng organizers, Disyembre 16 gaganapin ang 23rd edition ng pageant.
Ito na ang kauna-unahang pagkakataon, matapos ang dalawang taon na virtual ang kompetisyon ng Miss Earth.
Ang representante ng Pilipinas ay si 2023 Miss Philippines Earth Yllana Marie Aduana.