Miss Pearl of the Orient PH, pinakabagong beauty competition sa Pilipinas

Miss Pearl of the Orient PH, pinakabagong beauty competition sa Pilipinas

BINUO ng dalawang local pageantry companies ang isang panibagong beauty competition at ito ang “Miss Pearl of the Orient Philippines“.

Partikular na nasa likod nito ang Gouldian Training & Events at JM Pageantry Innovations.

Sa bagong binuo na pageant competition, kinakailangang magsalita ng candidates sa kanilang native Filipino dialect.

Sa qualifications, mainam na 18 hanggang 28-taong gulang; may pleasing personality; single at natural-born na babae na may Philippine passport; mayroong good moral character; may malalim na pag-ibig sa kulturang Pinoy; at aktibo na sasali sa anumang charity events.

Ang coronation night ay sa Hulyo habang ang deadline ng application ay sa Mayo 20.

Ang magiging winners mula dito ay may chance na sasabak sa Miss Cosmopolitan World, Miss Tourism Globe, at Miss Glamour Look International.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble