Miss U 2023, inanunsiyo na ang top 5 ng photoshoot challenge

Miss U 2023, inanunsiyo na ang top 5 ng photoshoot challenge

INANUNSIYO na ng Miss Universe Philippines Organization ang 5 delegado na nanguna sa photoshoot challenge ng 2023 pageant.

Sa resulta, ang top 5 ay sina Jannarie Zarzoso ng Agusan del Norte, Princess Anne Marcos ng Bulacan, Airishh Ramos ng Eastern Samar, Angelique Manto ng Pampanga, at Lesly Sim ng Quezon Province.

Nakabatay ang resulta mula sa boto na nasa M.U.P.H. App mula April 3- 9 ang voting period.

Maliban sa photoshoot challenge, sasabak din sa swimsuit at runway challenge ang mga kalahok at ang sinumang makakakuha ng pinakamataas na boto ay magkakaroon ng puwesto sa semifinals.

May 13, 2023 ang coronation night ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa Mall of Asia (MOA) Arena.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter